Ang Kinahahangaan Kong Probinsya
MADAMBA LANAO DEL SUR
Ang pinaka unang lugar na aking napuntahan na lubos kung hinahangaan ay isang uri na lugar na sasabihin mong normal lamang, simpling bukid na may mga naninirahang ibat ibang ng personalidad ng tao o dikayay katayuan sa buhay. Ang lugar na iyon ay may ibat ibang parte na pwede mong pasyalan, yong tipong lalabas kalang sa sarili mong bahay makakkalanghap ka ng sariwang hangin, makakakita ka ng natural lamang na tanawin, walang polusyon, walang matatayug na gusali, walang ingay, pawang mga huni lamang ng ibon ang iyong maririnig sa paligid imbis na mga tunog ng mga sasakyan.
May mga parte na lugar na iyon na liblib, ngunit pag narating muna ang kasukdulan mapapahanga ka, ganun ang aking nararamdaman. Simula ng makatuntun sa lugar na iyon, yong tipong ignorante ako sa mga bagay bagay sa paligid pero pag ka tapak ko roon, tila nagustuhan kong doon na lamang manatili. Napakaliwanag ng paligid, napaka payapang lugar, kung siguro akong may problema ay gugustuhin ko doon lamang ako manatili, o di kayay mag pa lipas ng oras, nakakagaan ng pakiramdam yong tipong tinatanaw mo lang ang mga magagandang tanawin roon, na imbis na matatayog ng gusali ang makikita mo, matatayog na puno ng kalikasan ang matitingala mo.
Unang sasalubong sa iyo ang sariwang hangin na
sinasabayan ng tila nag aawitang mga ibon, mga berdeng damong nag sisitaasan ang
pumapalibot sa mga buong lugar, makikita karin ng mga ibat ibang dalisdis na
natural lang na likas ng kalikasan, nag sisilinawang tubig na siyang dumadaloy
sa mga batis sa bawat parte ng lugar na ito.
Ang lugar na ito ay hindi maiikumpra sa ibang lugar, bagamat walang matatayog na gusali, walang trapiko, walang pulosyon, walang sosyal na pasyalan, pawang mga puno ng kalikasan lamang. Hindi lamang ang mga tanawin roon ang aking hinahangaan, dahil masasabe kong pati ang mga taong naninirahan roon ay nagustohan ko, mga ibat ibang ugali ng tao ang makakasalamuha mo roon, mga tao na iisang layunin lamang ang iniisip, ang mamumuhay ng tahimik, malayo sa magugulong lugar. Mga tao roon ay nagbibigayan, nag uunawaan at higit sa lahat nag mamahalan, at may pag kakaisa.
Tanda ko pa ang una kong punta roon, sabi ng aking nanay,
doon raw ang aming probinsya, sa una ay nagtataka ako kung bakit tila itoy
malayo sa syudad, bakit ito liblib, na tipong walang dumadaang sasakyan, ngunit
labis ang aking pag ka gulat ng kame ay makarating sa distinasyon naming, mga taong nakangiti ang unang bumungad sa
amin, mga batang masayang nag lalaro ng mga larong masasabi kong kailan man ay hindi ko pa nasusubakan o
nalaro sa pagkat hindi ako lumaki sa
lugar na ganun, kaya akoy mukang batang sabik na sabik na subukan laruin ang ginustung
laruin. Bukod sa pagiging mang mang sa mga larong ganun, takot rin ako sa mga
taong di saakin pamilyar, kaya simula ng makita ko ang mga ngiti ng mga taong
nasa paligid ko ay tila isaang bata na nag kamalay sa mundo ang aking naging
reaksyon, mabilis kong natutunan ang mga bagay dahil sa mga taong naroroon,
dahil sa environment roon.
Ang lugar na ito ay hindi katulad ng ibang lugar na kahanga hanga, ngunit para saakin tila ito na ang lugar na lubos kong hinahangaan sa buong buhay ko, dahil sa likas nitong simpling ganda, ang lahat ng naka paligid rito. Ako ay lubusang nasasabik sa pagkat matagal tagal narin ako naka dalo roon, ang lugar na ito ay tinatawag MADAMBA LANAO DEL SUR. Isang lugar na hindi pamiliar sa karamihan ngunit kinasasabikan puntahan, dahil bukod sa lahat ng aking mga nabanggit may isang bagay rin akong hindi nasabe, yon ang mga maranao famous food nila doon, mga niluluto nilang sikat sa ibat ibang lugar na may mga maranao o dikayay ibang mga tribo. Matatagpuan ito sa second district ng Lanao Del Sur, dalawat kalahating oras o dikaya’y humigit tatlong oras ang byahe rito dahil may pagka malayo ito sa syudad, depende takbo ng sasakyan patungo roon.
Hindi ito kahahanga hanga katulad ng mga ibat ibang lugar na napuntahan o gustong puntahan ng mga tao, ngaunit masasabe kong malaking parte ng isang tao ang wala kung hindi man lang ito makikita o dikaya’y masisilayan lamang, basi lamang sa aking sariling pananaw. Inuulit ko, hindi ito ma iikompara sa mga sikat na lugar sa ibang bansa,bagkus itoy liblib na hindi pamilyar sa mga tao.







Mga Komento
Mag-post ng isang Komento